Paano Mag-set ng TP/SL sa Chart
Tingnan natin kung paano mo mase-set at mache-check ang TP/SL sa chart.
1. Pag-check ng iyong posisyon sa chart
・Kapag naglagay ka ng posisyon sa trading screen, awtomatikong lilitaw ang position box sa chart kung saan makikita mo ang TP/SL.
・Makikita mo sa position box ang P&L at QTY ng iyong tokens na real-time ang pagbabago.
・Keyboard shortcut <F12> → Developer Tools → tab na Network → alisin ang check sa [Disable cache] → i-right click ang [🔄️Refresh] sa kanang itaas ng browser → i-click ang [Empty cache and Force Refresh]. |
2. Pag-set ng TP/SL
・Kapag nag-hover ka sa position box, lilitaw ang Set TP/SL button sa kanan na maaari mong i-drag upang i-adjust ang TP/SL.
・Pagkatapos i-adjust, i-release ang mouse upang lumabas ang Set TP/SL modal na may iyong settings.
・Ang nilagay mong TP/SL values ay makikita sa chart na may kanya-kanyang label.
✅Tandaan: Sa TP/SL feature, isa lamang na Take Profit at isa lamang na Stop Loss ang puwedeng i-set. Hindi puwedeng parehong Take Profit (TP) o parehong Stop Loss (SL) ang ilagay.
|
3. Pagbabago ng TP/SL settings sa chart
・Matapos mong iset ang TP/SL, puwede mong i-drag ang TP/SL labels pataas o pababa para baguhin ang values.
4. Pag-close ng posisyon sa chart (Instant liquidation, flash close)
・Ang ❎ sa itaas ng position box ay ang Flash close button.
・I-hover ang ❎ at lalabas ang "Close Position", i-click ito at pindutin ang [Confirm] para agad na i-close ang buong posisyon sa market price.